Liham Para sa Magtatapos ng Kolehiyo

Hi. Hindi niyo pa alam kung kanino galing ito, tama ba? Galing ito kay Mccoy. At kung may typographical errors man na makikita dito, pagpasensyahan mo nalang  at normal na sa akin yun, bastusan e. Ay joke! One Hit Writer ako e, wala nang draft draft, publish agad pagkasulat.

Una sa lahat, binabalaan ko na kayo at may natitira na lamang kayong kakarampot na sandali upang maging estudyante. Naiintindihan niyo naman ang nais kong ipabatid, hindi ba? Sa madaling salita, lilipas ang araw at tumatakbo ang oras nang hindi niyo nalalaman. Darating ang panahon na magkakahiwa hiwalay na kayo ng mga kaibigan mo at papasok sa iba’t ibang mundo. Naturalmente, darating tayo diyan at heto na nga, at naka-cross out na ang isa sa pinaka importanteng pangyayari sa inyong buhay kolehiyo—ang pagtatapos.

Sa pagtungtong niyo sa araw na ito, nais kong sabihing binabati ko ang bawat isa sa inyo. Biruin niyo, paraan kahapon lamang ay mga makukulit at bibong bibong mga chikiting pa kayo. First year days, kayo ang bunso ng inyong unibersidad. Isang kurap lang, ayan, at mga dalaga’t binata na kayo. Andami nang nagbago — ngunit… nagbabago ka ba para sa ikabubuti ng iba? Hindi niyo naman kailangan sagutin, ngunit batid kong alam ninyo sa sarili niyo ang sagot sa katanungang iyan.

Alam kong may hinanakit kayo. Ang pagdadala ng titolong “Fresh Graduate” at pagiging isang pangkat ng mga matatalino’t maabilidad na nilalang, ramdam ko ang paghihikahos ninyo maabot niyo lamang ang expectations ng mga magulang niyo at ng papasukan niyong trabaho. Alam kong marami na kayong pagsubok na pinagdaanan at madami pa ang pagdadaanan. Madaming tao ang nakasalamuha na nakainsulto sa inyo ng hindi nila nalalaman. Pero sana ay hindi iyon ang maging hadlang para gumaling kayo, dahil ang mga bagay na tulad ng mga iyon ang tutulong sa inyo upang mas gawin niyo pa ang makakaya ninyo. Tignan niyo nga at nariyan na kayo sa pagkakataong iyan, may naibuga ba sila sa iyo? Lalo pa ngayo’t nagaalab na ang mga damdamin niyo dahil “graduating students” na kayo. Yakang-yaka niyo yan! Magpapatalo ba ang tulad niyong may ibubuga na sa buhay? Hindi diba?

Isa pa pala bago ko tapusin ang liham na ito. Siguro naman sa pagkakataong ito may ideya na kayo sa kung ano ba talaga ang nais niyong “maging” pagkatapos niyo makuha ang inyong mga diploma. Kayo pa naman ‘yan, paniguradong matataas ang pangarap niyo! H’wag kayong panghinaan ng loob kung hindi man kayo nagmula sa isang prestihiyosong paaralan — hindi lang naman yun ang sukatan para masabi mong matalino ka o nakakaangat sa iba. Sariling pagsisikap ang magdadala sa’yo sa tagumpay, kung kaya’t magsikap ka’t magtiis, dahil darating ang panahon na magagalak ka sa mga kabutihan at paghihirap na nagawa mo.

Good luck and happy adulting sa inyo! It may be a rough start for some of you pero nagsisimula palang naman kayo. There will always be a room for improvement just have faith on yourself and have faith to Him.

Sumasainyo,

Marco a.k.a Mccoy

Leave a comment